43 dating rebelde, nakatanggap ng financial assistance mula sa pamahalaan

GUIPOS, Zamboanga del Sur, March 22(PIA) -- May 43 na dating rebelde ang nakatanggap ng financial assistance sa pamahalaan mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng Department of the Interior and Local Government  (DILG) at 53rd Infantry Battalion, lungsod ng Guipos,  Zamboanga del Sur.

May kabuuang Php2.7 milyones ang ibinigay sa mga  former rebels (FRs), kung saan ang bawa’t isa sa kanila ay nakatanggap ng P65,000 bilang livelihood and emergency assistance.

Ang FRs na isinuko ang kanilang  mga armas ay nakatangap ng additional cash bilang remuneration at depende ito sa halaga ng baril na kanilang sinurender.

Isinagawa rin ang groundbreaking ceremony ng halfway house para sa  mga FRs.


Ayon kay Brigadier General Roberto Ancan, commanding officer ng 1st Infantry (Tabak) Division, Philippine Army, ang halfway house ay magsisilbing venue ng rehabilitation, healing session, education at skills training activities ng mga FRs. (ALT/GCC/PIA-Zamboanga del Sur)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1020096
Latest News | Philippine Information Agency

Comments