Tagalog News: “Linis-Ilog Sox” gagawin sa Marso 22

LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 20 (PIA) - Ilulunsad ng Department of Environment and Natural Resources ang “LINIS-ILOG SOX” kaugnay ng selebrasyon ng World Water Day sa Marso 22.

Ayon kay DENR 12 Regional Executive Director Nilo Tamoria ang programa ay tugon sa hamon ni DENR Secretary Roy Cimatu na magkaroon ng malinis na katubigan sa buong bansa.

Sabay-sabay na lilinisin ang abot sa 13 ilog at sapa sa iba’t-ibang bayan at probinsya ng rehiyon sa Marso 22.

Sa lungsod ng Koronadal, higit isang libo ang inaasahang makikiisa sa paglilinis ng B’lok Creek.

Nanawagan si Koronadal City Environment and Natural Resources Officer (CENRO) Augustus Bretana sa mga mamamayan na makilahok at makipagtulungan sa gobyerno para mabigyan ng solusyon ang problemang ito.

Ayon sa opisyal, isa sa mga pangunahing pinangagalingan ng dumi sa B’lok Creek ay ang mga informal settlers sa nakatira malapit rito.

Kaugnay nito, pinaplano ng lokal na pamahalaan na ilipat sa resettlement area ang mga ito. (ORVRivera-PIA 12 with report from Keren Sanvictores–USM DevCom Intern)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1020008
Latest News | Philippine Information Agency

Comments