Tagalog News: Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol
LAOAG CITY, Ilocos Norte May 6 (PIA) -- Naramdaman sa bayan ng Pagudpud ang magnitude 5.8 na lindol bandang 10:48 umaga ng Lunes, May 6.
Sa datos mula Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (Phivolcs), may lalim na 8 kilometro ang nasabing lindol at tectonic ang origin.
Ang sentro ng lindol ay matatagpuan 11 kilometro hilagang-kanluran ng Pagudpud.
Sa pagtaya ng Phivolcs, nasa Intensity IV ang lakas ng lindol sa Pasuquin na umabot din hanggang sa Tuguegarao City, Cagayan.
Intensity V naman ang naramdaman sa Claveria, Cagayan habang Intensity III ang naitala sa Sinait at Vigan City, Ilocos Sur.
Gayunpaman, walang naidulot na pinsala ang lindol matapos ang mataas na antas ng intensity nito.
Ang Intensity IV ay nagtataglay ng lakas na halintulad sa isang paparating na mabigat na truck.
Ang mga residente ay pinayuhang mag-ingat para sa mga inaasahang aftershocks. (JNPD/MJTAB/PIA-1, Ilocos Norte)
News Feed:
https://pia.gov.ph/news/articles/1021691
Latest News | Philippine Information Agency