Tagalog News: Ibat-ibang sektor lumahok sa isinagawang NSED sa Bayugan City

LUNGSOD NG BUTUAN, Hunyo 25 (PIA) - Planado at organisado ang isinagawang second quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Bayugan City, Agusan del Sur. 

Naging maayos din ang koordinasyon ng mga lumahok na ahensya at iba't ibang sektor sa naturang pagsasanay gaya na lamang ng mga dapat gawin sakaling yumanig ang isang lindol.

May limang engagement areas ang nasabing drill, kabilang na ang Sacred Heart Parish Church, Bayugan City Hall, Bayugan National Comprehensive High School, Taglatawan Bridge, at Atis Street kung saan may natumbang poste ng kuryente.

Kabilang sa mga lumahok ang mga estudyante, guro, empleyado ng LGU-Bayugan, at mga residente ng ilang barangay.

“Marami akong natutunan sa NSED tulad na lamang ng pag-duck, cover and hold upang maging ligtas pag may lindol at sa pagiging alerto,” sabi ni Jayvel Lig-onan, isang studyante ng Bayugan National Comprehensive High School.

Makikita rin ang ilang persons with disability, senior citizens, buntis at lactating mothers na aktibong nag-duck, cover and hold nang tumunog na ang alarma bilang hudyat na nagsimula na ang pagyanig.

Layon ng isinagawang drill na masubukan ang kahandaan, mekanismo at kapasidad ng responders, LGU, Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) officers, at iba pang mahalagang sektor at ahensiya ng gobyerno para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa at zero casualty sa anumang kalamidad gaya ng lindol.  

Ayon kay Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) chair at Office of Civil Defense (OCD) Caraga regional director Liza Mazo, mahalaga ang partisipasyon ng mga residente sa earthquake drill lalu na't may naitalang fault line sa lungsod.

Samantala, laking pasasalamat naman ni Mayor Kim Lope Asis sa lahat ng mga lokal rescue o response teams, drill participants, evaluators at iba pang pribadong grupo na tumulong upang maging maayos at matiwasay ang pagsagawa ng NSED.

Dinaluhan din ng mga matataas na opisyal mula sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan ang naturang drill sa Bayugan City. (JPG/PIA-Agusan del Sur) 


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1023616
Latest News | Philippine Information Agency

Comments

Trending News

China eyes more tie-up with PH universities on student exchanges

Sarangani allots P15M for purchase of hospital equipment

TESDA Isabela introduces 'Tower Plus' project

Palace leaves Sandra Cam’s fate to Ombudsman

DOH Calabarzon intensifies anti-measles campaign thru NDP

PNP units ordered to observe water conservation measures

AFP backs PRRD initiative on Freedom of Information

Ex-WBO champ wins in ABF Bantamweight title bout

Possibility to grant Mislatel franchise eyed