Tagalog News: LGU Gensan may bagong selyo

LUNGSOD NG HENERAL SANTOS, Hunyo 30 (PIA)-- Matapos ang ilang buwang paghihintay, masayang ibinalita ng pamahalaang lokal ng syudad ng Heneral Santos kamaikailan ang pagkakaroon nito sa wakas ng bagong opisyal na selyo. 

Prinisinta mismo ni Kagawad Shandee Llido-Pestaño ang bagong selyo noong Lunes sa regular session ng Sangguniang Panlungsod, ayon kay Rombel Catolico, hepe ng City Public Information Office (CPIO). 

Ayon kay Pestaño, ani Catolico ang bagong selyo na obra ni Jayfferson Piñero Alas, ay sumisimbolo sa pagiging mapagkumpitensya, progresibo, at magandang hangarin ng pamahalaang lokal at ganon din ng mga konstituwente nito. 

Ito rin ay sumasalamin sa kasalukuyang estado ng pamahalaang lokal kung saan sinusulong nito ang mas matatag na ekonomiya, pamumuhunan, yamang tao, edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, proteksyong panlipunan, at seguridad. 

Sinabi rin aniya ng kagawad, na ang kasalukuyang kalagayan ng syudad ay ibang iba na kung ikukumpara ito sa mga nagdaang panahon. 

Giit nito, aniya na nararapat lamang na baguhin na rin ang selyo na magrerepresinta ng angkop sa mas pinabuting anyo ng Gensan sa kasalukuyang panahon.  

Pinaliwang din ni Pestaño ang kahulugan ng bawat simbolo at mga imahe na nakikita sa bagong selyo, na idinaan pa sa paligsahan noong Pebrero 2019 matapos mapagkasunduan ng konseho ang pagbago ng iilang aspeto gaya ng kulay, pagpoposisyon ng iba pang disenyo na nakikita sa lumang selyo, dagdag pa ng hepe ng CPIO. (CTA/PIA SarGen)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1023889
Latest News | Philippine Information Agency

Comments