Tagalog News: PSWDO nagdaos ng Teenage Pregnancy Forum para sa OSYs 

LUNGSOD NG BATANGAS, Set. 17 (PIA)-Nagdaos ng Teenage Pregnancy Forum para sa out-of-school youth (OSYs) ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa Provincial Auditurium Capitol Compound sa lungsod na ito kamakailan.

Layunin ng programa na maibahagi at maipaliwanag ang maaaring idulot ng maagang pagbubuntis sa mga kababaihan.
 
Naging panauhing tagapagsalita sina Ann Cyrill Tabili ng Department of Health (DOH) at Kristine Adao ng Population Commission (POPCOM).
 
Tinalakay ni Adao ang tungkol sa Teenage Pregnancies at ang epekto nito sa lalawigan habang si Tabili naman ay tinalakay ang impact ng Teenage Pregnancy at mga inisyatibo ng Department of Health (DOH) upang matugunan at masolusyunan ito.
 
Pinag-usapan din ang mga posibleng tulong at paggabay ng DOH at PSWDO upang maiwasan teen pregnancy tulad ng pagtuturo ng mga pamamaraan upang makaiwas sa maagang pagbubuntis, psychological services at pagsasanay ukol sa pangkabuhayan o trabaho.
 
Batay sa datos ng mga health offices sa buong Calabarzon, simula 2016 ay pataas ng pataas ang bilang ng mga batang maagang nabubuntis kung saan ang lalawigan ng Batangas ay ikatlo sa may mataas na bilang ng kaso ng teen pregnancy.
 
Ilan sa mga lugar sa lalawigan na mataas ang bilang ng teenage pregnancy ay ang Batangas City, Lipa City, Nasugbu, Tanauan City at Malvar. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS with reports from PIO BATANGAS PROVINCE)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1027296
Latest News | Philippine Information Agency

Comments