PHLPost, pinag-iingat ang publiko kaugnay ng text, online scam 

MAYNILA, Dis. 9 (PIA) – Pinag-iingat ng  Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang publiko kaugnay ng kumakalat na text scam kung saan nasasaad na maaaring manalo ng pera, cellphone o gadget ang makatatanggap.

Ayonsa PHLPost, ang text scam ay ipinapadala sa pamamagitan ng isang website o sa ‘di kilalang content/service provider kung saan lumilitaw ang mga mensahe na maaaring manalo ng pera, cellphone o gadget.

Nakasaad din sa naturang text scam ang mensahe na ang halagang P599 na kailangang bayaran bilang delivery fee para sa mga premyo.

Ayon sa PHLPost, wala silang aktibong promosyon sa online. Anila, ang mga promosyon at iba pang mga opisyal na anunsyo ay nakalathala sa opisyal na website ng PHLPost (www.phlpost.gov.ph).

Paalala din ng PHLPost sa publiko na iwasang magbigay ng anumang personal na impormasyon sa mobile phone man o sa internet.

Para sa katanungan at iba pang impormasyon, maaaring tumawag sa PHLPost Customer Care Hotline sa (02) 8288-POST (7678). (PHLPOST)   

 

 


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1031385
Latest News | Philippine Information Agency

Comments