Brgy Disiplina Teams, isinusulong sa Nueva Vizcaya

Si Board Member Victor Gines, presidente ng Liga ng mga Barangay

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Sept. 28 (PIA) - Isinusulong sa lalawigan ang pagbubuo ng Barangay Disiplina Brigades (BDBs) upang ipalaganap ang pagsunod ng mga mamamayan sa mga health protocol laban sa COVID-19.

Ayon kay Board Member Victor Gines, presidente ng Liga ng mga Barangay, kailangan ang pagbuo ng mga BDB na siyang magsisilbing tagapagmasid sa pagsunod ng mga mamamayan sa mga legal na batas at alituntunin laban sa COVID-19.

Ani Gines, ang mga BDB din ang magsisilbing bantay upang maipalaganap ng tama ang probisyon ng Provincial Ordinance hinggil sa pagsunod sa mandatong pagsusuot ng face mask o face shield, social distancing, disinfection at iba pang gawain ng mga mamamayan na makakatulong sa pagtigil ng COVID-19 local transmission.

"Mahalaga ito upang lalo pang mapasunod ang mga mamamayan sa mga alitununtin ng batas at ang ating ordinansa hinggil sa health protocols upang maiwasan ang pagdami ng COVID-19 cases sa lalawigan," pahayag ni Gines.

Ang nasabing panukala, ayon sa kanya ay isiusulong sa Sangguniang Panlalawigan upang tuluyang ito ay maisabatas.

Ang pagbuo ng BDBs ay sinuportahan din ng Provincial COVID-19 Task Force kamakailan sa isang pagpupulong sa Pasalubong Center.

Ayon kay Governor Carlos Padilla, magsisilbi ding tagapalaganap ng batas at parusa ang mga BDBs sa kanilang nasasakupang komunidad upang lalo pang himukin ang mga mamamayan na sumunod sa mga tamang gawain upang maiwasan ang COVID-19 infection.(MDCT/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1054434
Latest News | Philippine Information Agency

Comments