Donasyong face masks, face shields tinanggap ng MMDA mula sa Manila-Valenzuela Lions Club

Malugod na tinaggapni MMDA Chair Danilo Lim and mga donasyong face masks at face shileds mula sa kinatawan ng Manila-Valenzuela Business Lions Club . (Larawan mula sa MMDA)

LUNGSOD PASIG, Nob. 29 (PIA) -- Malugod na tinanggap ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Danny Lim ang mga handog na face masks at face shields mula sa Manila-Valenzuela Business Lions Club kamakailan.

Personal na pinasalamatan ni Lim ang naturang grupo sa pagsuporta nito sa ahensya.

Pinasalamatan din niya ang organisasyon sa pagpapamalas nito ng bayanihan sa panahon ng national health emergency.

Aniya, malaking tulong ang mga protective gear para sa COVID-19 response efforts ng MMDA.

Patuloy ang MMDA sa pagbibigay serbisyo sa frontline at emergency services sa gitna ng kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19. (PIA NCR)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1060450
Latest News | Philippine Information Agency

Comments