Calendar of activities ng Subaraw Biodiversity Festival 2019. (Larawan ni Bert Andone) PUERTO PRINCESA, Palawan, Nob 5 (PIA) -- Itinuturing na bilang pambansang kaganapan ang pagdiriwang ng Subaraw Biodiversity Festival ngayong taon,. Ang selebrasyon ay ginaganap tuwing Nobyembre, na bahagi ng paggunita sa pagkakabilang ng Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP) sa New7Wonders of Nature noong 2012. Sinabi ni Mayor Lucilo Bayron ng Puerto Princesa na binuksan na ng pamahalaang lungsod ang lahat ng mga aktibidad sa festival para sa mga nagnanais lumahok na ibang siyudad o probinsya sa bansa. “Nag-decide ang city na i-angat ang lebel ng selebrasyon na ito, dahil sa buong Pilipinas, ito ang pinakapambihira na festival dahil nakatuon sa biodiversity, sa dagat at sa gubat. Itong taon na ito, patunay na tayo ay national event na sapagkat hindi lang sa pageant na ito may mga sumali na mula sa labas ng Puerto Princesa,”pahayag ni Bayron sa press conference ng mga kandida