Tagalog News: Mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Batangas, sumailalim sa Safety Training

LUNGSOD NG BATANGAS, Mayo 31 (PIA)- Sumailalim ang may 30 empleyado ng pamahalaang lungsod sa limang araw na Construction Occupational Safety and Health training na ginanap sa Teachers Conference Center sa lungsod na ito noong Mayo 6 hanggang 10.
 
Ang pagsasanay ay kinakailangang daluhan ng mga safety officers, safety representatives ng mga construction companies, technical employees kabilang ang mga nasa hanay ng electrical planning, maintenance at architect.
 
Tinalakay dito ang konsepto ng Occupational Safety Health maging ang mga pamantayan at kasanayan na maaaring magamit upang mas maging maayos ang kanilang trabaho.
 
Pinangunahan ng Trainovate, isang pribadong kumpanya na accredited ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang naturang pagsasanay  na layong magkaroon ng dagdag kaalaman ang mga concerned government employees ukol sa safety at health upang lalo pa maitaas ang pagseserbisyo publiko lalo na sa pagsasaayos ng mga proyektong pang-imprastraktura.
 
Kabilang sa mga tinalakay ang excavation and demolition safety, safety of construction machineries, safety of site premises, safety in the use of temporary structures, hand and power tools, fall protection while in working at heights, environmental concern at waste disposal on site. Kasama din ang paggamit ng interventions tulad ng tool box meetings, job hazard analysis, mga batas at latest issuances sa Occupational Health Safety.
 
Ayon kay Engr. Armando Plata ng City Engineer’s Office, patuloy ang pagsusulong ng kanilang tanggapan na maging ligtas at maayos ang lungsod pagdating sa working condition ng mga empleyado sa hanay ng construction sa pamamagitan ng paglalagay ng mga safety rules and regulations. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with reports from PIO Batangas City)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1022612
Latest News | Philippine Information Agency

Comments