Tagalog News: 17th Yaman Gensan Trade Fair binuksan

LUNGSOD NG HENERAL SANTOS, Hunyo 30 – Binuksan noong Lunes sa Veranza Mall ang isang trade far exhibit ng mga produkto at serbisyong ipinagmamalaki ng lungsod bilang bahagi ng taunang selebrasyon ng Yaman Gensan.

Ayon kay Rombel Catolico, Hepe ng City Public Information Office (CPIO) 26 na mga exhibitors at negosyante ang lumahok sa naturang trade fair exhibit na magtatapos sa Linggo.

Ngayong taon ang ika-17 selebrasyon ng Yaman Gensan na may temang: “Isulong Luntiang Maliliit na Negosyo sa Gensan” kung saan naging malaking tulong ito sa mga maliliit na negosyo sa nakalipas na mga taon upang mapayabong at maging “competitive” sa lokal at internasyonal na merkado.

Dagdag pa ni Catolico personal na dinalohan ni Mayor Ronnel Rivera ang pagbubukas ng nasabing okasyon na ayon pa sa mayor ay naging tulay upang mas mapa unlad pa ang ekonomiya ng lungsod at mapalago ang mga lokal na negosyante.

Binigyang diin ni Rivera na sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng mga negosyante sa ilalaim ng kategoryang micro, small and medium enterprises o MSMEs sa lungsod ginagawa umano ng lokal na pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang masuportahan sila.

Samantala, bahagi rin ng nasabing exhibit ay ang mga serbisyo at programang sinusuportahan ng Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang ahensya ng gobyerno. (PGFruylan/PIA-SarGen)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1023866
Latest News | Philippine Information Agency

Comments