Tagalog News: DAR-Caraga nanawagan sa mga estudyante na mas palawakin ang kaalaman sa agrikultura

LUNGSOD NG BUTUAN, Hunyo 25 (PIA) - Nanawagan ang Department of Agrarian Reform (DAR) Caraga sa lahat ng estudyante na mas palawakin pa ang kanilang kaalaman pagdating sa agrikultura partikular na sa family farming at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng lupain.

Ayon sa DAR, malaki umano ang maitutulong nito sa pagpapalaganap at pagtitiyak ng produktibong pagsasaka sa bansa.

Inihayag ito ng ahensya sa pagdaraos ng kanilang ika-31 anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na ibinida sa pamamagitan ng isang photo gallery na may temang “Ani at Biyaya ng Repormang Agraryo.”

Ayon kay DAR-Caraga regional director Leomides Villareal, dahil sa exposure ng mga kabataan sa mga makabagong teknolohiya ay unti-unting nawawala ang kanilang interes sa mga tradisyunal na gawain.

Sinabi ng opisyal na kailangang maibalik ang interes ng mga kabataan sa kagandahan at benepisyong makukuha nila sa sektor agrikultura, at sa maitutulong nito  sa kaunlaran ng bansa.

Dagdag pa ng opisyal, ilan-ilang eskwelahan din sa Butuan City, at kalapit na probinsya ng rehiyon ang kanilang inimbitahan para sa isang study tour sa kanilang photo gallery sa isang mall, kung saan makikita ang ibat-ibang programa’t proyekto ng DAR at mga benepisyaryo nito mula sa ibat-ibang sektor.

Binigyang-diin din ng opisyal na sa tulong na rin ng iba pang ahensiya ng pamahalaan, patuloy ang gobyerno sa pagbibigay-tugon sa mga pangangailangan ng mga magsasaka alinsunod na rin sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na ang CARP ay naisabatas noong June 1988 sa ilalim ng Social Justice Program ng dating Pangulong Corazon Aquino. (JPG/PIA-Caraga)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1023625
Latest News | Philippine Information Agency

Comments

Trending News

1K ASEAN athletes to join 2 tournaments in Ilagan City

Duterte ‘angered’ by Jolo church bombing

Malacañang honors moms on Mother's Day

Water supply starts to improve: Manila Water

Abra observes TB Day 

Russian Pacific Fleet ships make 2nd PH goodwill visit

Dumaguete prelate urges priests to fight fake news, proclaim truth

Woman, 3 others killed in Nueva Ecija buy-bust

SSS conducts Employers’ Forum, ‘RACE’ in Iloilo