Tagalog News: LGU-Naga, ipinagbawal ang paggamit ng plastic

LUNGSOD NG NAGA, Hulyo 9 (PIA) - - Ang lokal na gobyerno ng Lungsod ng Naga sa pamumuno ni City Mayor Nelson S. Legacion ay naglabas ng Executive Order No. 2019-026 na pinagbabawal ang paggamit ng non-biodegradable plastic at polystyrene sa lahat ng city government –led events at meetings.

Ito ang pinaka unang naging kautusan ng bagong alkalde ng lungsod na pinagtibay ng EO No.2019-026 na ipinalabas noong Hulyo 8.

Ayon kay Legacion, bawal na ang plastic sa city hall at pinagbabawalan na din ang mga catering service providers at suppliers na gumamit ng  bags, straws, cups, plates at utensils na gawa sa non-biodegradable plastic o kaya polystyrene na gagamitin sa packaging at sa pagkain lalo na kung may aktibidad o pagtitipon sa city hall.

Batay kasi sa pag-aaral, ang mga plastic products ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng pagbara sa mga drainage system at waterways na sanhi ng baha at paghina  ng likas na kapaligiran.

Sa ginawang survey ng Ateneo Social Science Research Center ng Ateneo de Naga University tungkol sa 2018 Third Quarter Naga City Poverty and Governance Public Opinion Poll, karamihan ng mga Nagueños ay pabor sa pagpapatupad ng plastic ban ordinance sa Naga City. Ito ay nagkaroon ng 67% approval.

Kaugnay nito nakatakdang magpasa ng ordinansa ang Sangguniang Panglungsod tungkol sa pagbabawal sa paggamit ng plastic. (dabad, PIA5/Camarines Sur)

 

 


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1024398
Latest News | Philippine Information Agency

Comments

Trending News

Liquor ban for May 13 polls takes effect Sunday

DOST-PAGASA inaugurates Flood Forecasting and Warning System in CamSur 

Bacolod, Iloilo dropped from list of top 100 outsourcing sites

PRRD to grace PDP-Laban rally in CDO

Maynilad willing to share water allocation with Manila Water

'Solidarity Run for a Cause' set on May 1 in Tandag City

DepEd to continue SHS voucher program for SY 2019-2020

Forum to inspire college scholars held in La Union

Bacolod hosts investment seminar

Over 370 vehicles netted in I-ACT ops in Cebu