Tagalog News: Bagong National Police Clearance System binuksan sa Lanao del Norte

LANAO DEL NORTE, Aug. 20 (PIA)--Ayon kay Police Major Rodolfo M. Dongiapon, hepe ng Tubod Municipal Station, malaking karangalan ang maging pioneering sa National Police Clearance sa Lanao del Norte.

Dahil dito, mas mabilis ang pagkuha ng clearance dahil computerized at online na ang application.

Sa pagkuha ng national police clearance kailangan lang magfill-up ng application form at magbayad ng P150 sa Land Bank of the Philippines.

Kailangang personal na kukunin ang police clearance nang sa gayun makunan ng fingerprints, litrato at pirma ng aplikante.

Sa pamamagitan ng bagong sistema, mabilis nang makikita ang mga kriminal records ng aplikante. Kapag ang aplikante ay may kriminal records, dapat muna niyang iresolba ang kaso bago siya makakuha ng police clearance. Wala pang 10 minutes ay makukuha na ang clearance na may bisa hanggang anim na buwan na pwede ring gamiting valid ID.

Ang bagong sistema ng pagkuha ng police clearance ay hindi basta-bastang mapepeke dahil may unique QR code ang clearance na nagpapatunay na ito ay original at hindi peke.

Sa probinsya ng Lanao del Norte, dalawa pa ang nagbukas ng bagong sistema ito at ito ay ang Tubod at Kapatagan Municipal Stations.

Layunin ng PNP na lahat ng municipal station ay magkaroon nang police clearance centers nang sa ganun ay madaling makita at madetect ang mga masasamang loob. (HMFP/PIA10)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1026571
Latest News | Philippine Information Agency

Comments