Tagalog News: Simulan sa sarili ang pag-aksyon sa dengue, saad ng PHO LDN

LANAO DEL NORTE, Aug. 20 (PIA)--Sa pagtaas ng kaso ng dengue sa probinsiya, pinalaganap sa lahat na maging alerto sa mabilis na pagtaas ng kaso ng dengue sa iba’t ibang munisipalidad ng probinsya.


Batay sa isinumiting report ng Provincial Health Office simula Enero hanggang Agosto ng taon, may naitalang 2,066 dengue cases at 15 katao na ang namamatay sa probinsya.


Karamihan ng kaso ng dengue ay nanggaling sa bayan ng Sultan Naga Dimaporo na may 430 dengue cases, sinundan ng Lala na may 291, at pumapangatlo ang bayan ng Kapatagan na may 226 dengue cases.


Payo ni Board Member Harris Umpa Ali, chairman ng Department of Health sa probinsya, upang maiwasan ang sakit na ito kay kailangan ang maagang deteksyon at maayos na pamamahala ng kaso.


Ang dengue ay isang sakit sanhi ng virus at wala pang alam na tiyak na gamot o bakuna para dito.  


Kabilang sa mga simtomas ng dengue ang matinding sakit ng ulo, pananakit sa likod ng mata, matinding sakit ng kasukasusan at kalamnan, pagkapagod, pagkahilo at rases sa balat.


Mainam na ugaliin ang 4S na estratehiya upang malabanan ang nakamamatay na sakit.


Hanapin at puksain ang mga lugar na pinamamahayan ng lamok; pangalagaan o proteksiyunan ang sarili katulad ng pagsusuot ng long pants/long sleeves, paggagamit ng insect repellent at iba pa; maagang magpatingin sa doctor kapag nakitaan na ng mga simtomas; at ang huli “yes to fogging."


Ugaliin ding mag 4 o’clock habit para panatilihin ding malinis ang kapaligiran para makaiwas sa iba’t ibang uri ng sakit lalo na ang dengue. (HMFP/PIA10)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1026576
Latest News | Philippine Information Agency

Comments