Higanteng bilao ng pancit, tampok sa festival ng Malabon

Pinangunahan ni Malabon City Mayor Len Oreta ang pagdiriwang ng Pancit Festival na nagtampok ang higanteng bilao ng Pancit Malabon. Ang taunang festival ay taunang isinasagawa kasabay ng kapistahan ng Our Lady of Immaculada at La Purisima sa Barangay Concepcion sa lungsod. (Larawan kuha ng Malabon PIO)

MALABON, Dis. 11 (PIA)--Tampok ang higanteng bilao ng pancit sa ipinagdiwang na Pancit Festival sa Malabon noong Disyembre 10.

May sukat na 15 talampakan ang bilao ng pancit at iniluto ng mga kababaihan mula sa Barangay Concepcion, Malabon ang pinagsalu-saluhan ng daan-daang residente at bisita sa festival.

Ang Pancit Malabon Festival, na unang tinawag na Luglugan Festival, ay taunang isinasagawa, kasabay ng pagdiriwang ng pista ng Our Lady of Inmaculada at La Purisima sa Barangay Concepcion sa lungsod.

"Ang Pancit Malabon Festival ay bahagi ng mayamang kultura ng lungsod,” saad ni Mayor Lenlen Oreta.

“Napakasaya ng okasyong ito dahil naipapakita natin ang pagkakaisa at pagsasama-sama ng Pamilyang Malabonian. Mahalaga sa ating mga Malabonian ang pagkakaisa para patuloy pang umangat ang ating lungsod,” dagdag ni Oreta.

Kasabay ng isinagawang selebrasyon, pinarangalan din ng lokal na pamahalaan ng Malabon at pamunuang barangay ng Concepcion ang mga retiradong guro ng mababang paaralan ng Concepcion bilang pagkilala sa kanilang natatanging serbisyo sa larangan ng edukasyon. (PIO Malabon/PIA-NCR)

 


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1031497
Latest News | Philippine Information Agency

Comments