Tagalog News: Batangas City OCVAS, nagsagawa ng libreng pagkakapon ng mga aso at pusa

LUNGSOD NG BATANGAS, Dis. 5 (PIA) --Nagsagawa ang Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ng libreng spay at neuter sa mga alagang aso at pusa sa lungsod na ito noong ika-20 ng Nobyembre.
 
Sinabi ni Dr. Flor Abe, hepe ng Livestock Division, na ang pagkakapon at pagtatanggal ng matris ng aso ay maganda ang epekto sa kalusugan ng mga ito dahil nababawasan ang kanilang pagiging agresibo at hindi nai-stress na maghanap ng mate.
 
“Bukod sa pagbibigay natin ng libreng spay at neuter nais ko ding manawagan sa lahat ng may ari ng mga hayop na maging responsible pet owners. Kinakailangang alagan natin ng maayos ang mga aso at pusa tulad ng pagbibigay ng maayos na tirahan, tamang pagkain, bakuna laban sa rabies at pagtatali sa mga ito upang hindi sila gumala at maiwasang makakagat ng tao,” ani Abe.
 
Samantala, nagsagawa din ang City Health Office (CHO) ng seminar ukol sa Responsible Pet Ownership.
 
Sinabi ni Dr. Ian Nino Calingasan, medical Officer IV at Rabies Prevention and Control coordinator ng CHO na dapat ay may kaalaman ang lahat sa pangunang lunas kaya’t tinuruan nito ang mga dumalo sa pagbibigay ng basic first aid treatment sa mga nakagat ng hayop na may rabies tulad ng aso, pusa at unggoy.
 
Bahagi ng programa ng CHO ang Animal Bite Center na nagbibigay ng libreng bakuna sa mga nakagat ng hayop na may rabies. Ito ay isa sa mga programang tinututukan ng pamahalaang lungsod upang maisulong ang pagiging rabies-free sa mga susunod na panahon. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with reports from Ronna Contreras-PIO Batangas City)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1031115
Latest News | Philippine Information Agency

Comments

  1. Meron na Po bang anti rabies vaccine ngaun sa CHO?

    ReplyDelete