Unang 100,000 doses ng bakuna para sa mga residente ng Muntinlupa, nilagdaan ni Fresnedi

LUNGSOD QUEZON, Enero 13 (PIA) -- Lumagda na ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa tripartite agreement kaugnay sa pagbili ng 100,000 doses ng bakuna kontra COVID-19.

Kasama ang iba pang lokal na pamahalaan sa Metro Manila, lumagda si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi ng tripartite agreement sa National Task Force against COVID-19 (NTF) at AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines para sa nasabing bakuna.

Ang 100,000 doses ay inisyal na ibibigay sa high priority residents ng lunsod. Nilinaw ni Mayor Fresnedi na ito ay pandagdag lamang sa vaccination plan ng national government. Ang Department of Health (DOH) ay magbibigay din ng karagdagang mga bakuna para sa iba pang residente ng lunsod.

Ayon kay Muntinlupa City Health Officer Dr. Teresa Tuliao, ang pamahalaang lokal ay nagbibigay na ng pagsasanay o training sa operational logistics at vaccine administration sa personnel bilang paghahanda sa roll-out ng bakuna kontra COVID-19.

Dagdag ni Dr. Tuliao, nakikipag-ugnayan rin ang City Health Office (CHO) sa local storage rental facilities sa Lunsod para sa cold chain management ng mga bakuna.

Sasailalim din ang vaccination team nito sa mga training gaya ng vaccine storage at handling practices, vaccine administration, at health communication kung saan tuturuan silang kung paano kausapin ang mga pasyente patungkol sa nasabing bakuna.

Ang Muntinlupa ay magsasagawa rin ng information campaign upang mapalawak ang kamalayan sa bakuna at magbigay linaw sa immunization program. (PIA NCR)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1063695
Latest News | Philippine Information Agency

Comments