Makati nagbabala laban sa bawal na paputok

MAKATI CITY, Disyembre 31 (PIA) -- Muling nagbabala ang pamahalaang lungsod dito laban sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok na maaaring nakalusot sa merkado ilang oras bago natin salubungin ang bagong taon.

Sa mga post ng Makati sa official webpage at social media accounts nito, sinabi nitong mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod na paputok dahil sa peligrong dala nito sa mga gagamit: Piccolo, Super Lolo, Atomic Triangle, Large Judas Belt, Large Bawang, Pillbox, Bosa, Goodbye Philippines, Bin Laden, Mother Rocket, Lolo Thunder, Coke In Can, Atomic Bomb, Five Star, Pla-Pla, Giant Whistle Bomb, Kabasi, at  Watusi.

Maaari naman ireport sa mga social media account ng Makati sa Facebook: MyMakatiVerified, Twitter: @Mayora_Abby, Instagram: mymakati, Youtube: MyMakati, at sa official website: www.makati.gov.ph sakaling may makitang gumagamit ng mga mapanganib at nakalalasong na paputok. (PIA-NCR)

 


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1016621
Latest News | Philippine Information Agency

Comments