Tagalog News: One Stop Shop ng LGU Gensan nakalikom ng mahigit P200M revenue

GENERAL SANTOS CITY, Ene 31 (PIA)--Mahigit P200 milyon ang nalikom na revenue kamakailan ng pamahalaang panlungsod sa taunang One Stop Shop nito na ginanap mismo sa loob ng Investment Center ng lokal na pamahalaan.

Malaking tulong sa pamahalaan ng Gensan, ayon kay Geraldine Zamora, hepe ng Business Permits and Licensing Division ang kanilang adbokasiyang tinaguriang FAST o Friendly, Accessible, Simple, Timely sa pag-proseso ng mga lisensya at business permits sa lungsod gamit ang bagong online system eTRACS.

Datapuwa’t aminado itong may mga konting aberya sa bagong sistema, naitawid pa rin nila ng maayos, aniya, ang pangakong mabilis na pagseserbisyong publiko.

“Ang target po natin kasi within one day, na meet namin yun, meaning bayad ka ngayong umaga, hindi ka na babalik bukas kasi within the day ma-release yung permit mo,” ani Zamora.

Nagsimula ang One Stop Shop noong Enero 3 hanggang Enero 20.

Paliwanag ni Zamora, Nasa 7,000 renewals at pagpaparehistro ng bagong business permits ang inaasahan nila sa nasabing timeframe subalit umabot ito ng 9,104 at counting pa.

“May mga iba kasi na hindi nakahabol so hanggang kagabi (Enero 30), umabot na tayo ng 9,377, something like that, renewals at bagong business,” ani Zamora. Pahayag nito ang City Treasurer’s Office ang may hawak ng mas detalyado at tamang numero ng mga renewals at bagong rehistradong negosyo.   

Base naman sa listahan ng City Treasurer’s Office, umabot na sa 9,453 ngayong Enero 31 ang business renewals at bagong rehistradong negosyo. Sa nasabing pigura, 176 nito ang bagong negosyo at 9,277 naman ang renewals.

Ayon kay Zamora inaasahan nila na magbabago pa ang numero dahil aniya may mga negosyante pa ang hahabol sa pagpaparenew at  pagpaparehistro ng bagong mga negosyo.   

Karamihan sa mga one-stop shop visitors ay mga micro, small and medium enterprises o MSMEs.

Makikita sa ilalim ng development initiatives and programs ng kasalukuyang administrasyon ni Mayor Ronnel C. Rivera, ay ang pagbibigay ng sakto at mabilis na serbisyong publiko na masusi nitong tinututukan na maihatid sa taumbayan sa lahat ng oras. (Dave Cabunas, PIA SarGen/CTA)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1017921
Latest News | Philippine Information Agency

Comments

Trending News

234 new privates of 4ID vow to serve the people in NorMin, Caraga

10-month foreign tourist arrivals up 15% to 6.8-M

693 families in City of Ilagan benefit from coop's relief ops

Gov't to ‘win game’ vs. communism: Andanar

ITCZ to bring rains over Palawan, Mindanao

SEC-Bacolod clarifies role in bus firm’s stockholders’ meeting

Caritas Manila asks faithful to offer Simbang Gabi masses

MOU on implementation of expanded anti-hunger program inked

Firemen give Christmas joy to kids with cancer