Tagalog News: PESO Sarangani, tumanggap ng parangal

GENERAL SANTOS CITY, Enero 31 (PIA)---Nakatanggap ng higit pa sa isang parangal ang Public Employment Service Office (PESO) ng Sarangani Province sa mahusay na performance nito sa taong 2018. 

Kabilang sa mga parangal na natanggap nito ay ang Highest Placement Rate for Job Search Assistance, pagiging aktibong PESO sa pagpapatupad ng limang programs and services ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) at pagtalima sa reportorial requirements mula Enero hanggang Disyembre 2018. 

Narito ang limang programa ng  DOLE na ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Sarangani: (1) referral of placement for local and overseas agencies and walk-in seekers; (2) summer job program; (3) speaking engagements on career-coaching and anti-illegal recruitment campaigns cum human trafficking upang mapagtibay ang interbensyong pang-secondarya; (4) livelihood programs 2018 na may pondong P4.1 million mula sa DOLE, na kasalukuyang nasa procurement process, at ang mga benepisaryo ay mga marginalized sectors ng Sarangani, (5) at iba pang mga undertakings na may kinalaman sa employment facilitation. 

Ginanap naman ang parangal sa Isla Jardin del Mar Resort noong Enero 15 sa panguguna ng DOLE Regional Office XII na dinaluhan ng lokal na pamahalaan at school-based PESOs. 

Lingid sa lahat, isang non-fee charging multi-employment service facility ang PESO na siyang nagsasagawa ng full at equality employment opportunities sa lahat upang mapalakas at mapalawak ang kasalukuyang employment facilitation service machinery ng gobyerno. 

Samantala, kinilala rin ni Sarangani PESO manager Glenda Revaño ang Department of Public Works and Highways sa pagiging masinop nito sa pag-sumite ng placement report kada buwan, matatandaan na una itong inulat sa DOLE at Bureau of Local Employment. 

Ang suporta ni Gov. Steve Chiongbian Solon, Sen. Manny Pacquaio, Cong. Ruel Pacquaio at ng mga board members ay nagsilbi ring malaking kadahilanan sa mga nakamit na parangal. 

Ang mga parangal ay magiging gabay at inspirasyon ng bawat Sarangan upang patuloy na umunlad kasabay ng pag-angat ng buong Sarangani Province, ani Revaño. (Dave Cabuñas, PIA SarGen)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1017923
Latest News | Philippine Information Agency

Comments

Trending News

234 new privates of 4ID vow to serve the people in NorMin, Caraga

10-month foreign tourist arrivals up 15% to 6.8-M

693 families in City of Ilagan benefit from coop's relief ops

Gov't to ‘win game’ vs. communism: Andanar

ITCZ to bring rains over Palawan, Mindanao

SEC-Bacolod clarifies role in bus firm’s stockholders’ meeting

Caritas Manila asks faithful to offer Simbang Gabi masses

MOU on implementation of expanded anti-hunger program inked

Firemen give Christmas joy to kids with cancer