Tagalog News: Mga sundalong nasawi sa Mindanao, naiuwi na sa Camarines Sur

LUNGSOD NG NAGA, Marso 21 (PIA) – Sakay ng C291 na eroplano ng  Philippine Air Force ang mga labi nina Corporal Jojo V. Lim, Corporal Mark Joy C. Belano, Corporal Rocky C. Sasutona at Private Christopher Baylon noong Marso 20 ng umaga sa Pili Aiport dito sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ang 4 na Bicolanong sundalo ay nasawi dahil sa pakikipaglaban sa bahagi ng Mindanao noong nakaraang Byernes, Marso 15 sa mga teroristang grupo mula sa Tubaran, Lanao Del Sur.

Sinalubong ang mga labi ng magigiting na sundalo ng mga opisyal at enlisted personnel ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa Bicol pati na rin ng mga pamilya ng mga nasawi. Binigyan ng full military honors ang mga namatay na sundalo sa naturang paliparan.

Ayon kay 9th ID, Division of Public Affairs Office (DPAO) chief Capt. Joash Pramis, s mga miyembro ng 49th infantry Battalion ng 9th ID ang mga nasawing sundalo. Si Cpl. Lim ay mula sa bayan ng Balatan, Camarines Sur; Cpl. Belano ay mula sa bayan ng Pili; Cpl. Sasatuna ng bayan ng Ocampo at si Pvt. Baylon naman ay mula sa Labo, Camarines Norte.

Batay sa pamunuan ng 9th ID, sa kasalukuyan ay hindi pa malinaw ang detalye ng pagkamatay  ng nasabing mga kawal ng gobyerno, maituturing  itong bayani dahil sa pagbubuwis ng kanilang buhay upang mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao.

Tiniyak din ng 9ID ang tulong ng gobyerno para sa mga naulilang pamilya ng mga nasawing sundalo. (dabad, PIA5/Camarines Sur)

 


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1020069
Latest News | Philippine Information Agency

Comments