Tagalog News: 100 kabataang IPs tumanggap ng gamit pang-eskwela mula sa PNP-Caraga

LUNGSOD NG BUTUAN, Hunyo 24 (PIA) - May 100 kabataang Indigenous Peoples (IPs) mula sa Mamanwa tribe ng Sitio Kugtong, Barangay Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte ang tumanggap ng mga gamit pang-eskwela mula sa Philippine National Police (PNP) Caraga at sa tulong ng isang private donor.

Sa isinagawang gift-giving activity ng PNP-Caraga, pinangunahan ni Police Brigadier General Gilberto DC Cruz, ang pamimigay ng school bag, notebooks, papel, at iba pang gamit pang-eskwela sa lahat ng benepisyaryo.

Tinanggap naman ito ng mga kabataang lumad na may ngiti sa kanilang mukha.

Ayon kay Cruz, mahalaga ang kontribusyon ng ips sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad kaya nararapat lang din aniya na sila'y pagtuunan ng pansin ng pamahalaan at iabot sa kanila ang kanilang mga pangangailangan.

“May mga programa para sa inyo ang gobyerno kaya makatutulong po ang inyong suporta sa para na rin po sa kinabukasan ng inyong mga anak,” sabi ni Cruz.

Dagdag pa ng opisyal, madalas ang mga IPs ay nabibiktima ng karahasan ng mga New People’s Army (NPA).

Isa lang aniya ito sa marami pang aktibidad na gagawin ng kanilang ahensiya para sa IP sector. (JPG/PIA-Caraga)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1023615
Latest News | Philippine Information Agency

Comments

Trending News

WWII Bataan fighting recalled

Zambo sardine canners piling up losses

Hiligaynon News: Pulis nakabalhag sang 17 ka kaso sang pagpamakal boto

Wage boards urged to set ‘realistic’ wage hike for workers

Successful elections at Iloilo District Jail

SMB forces Game 7 vs. Magnolia in PBA PH Cup Finals

Security tightened in Lanao Norte as polls near

Woman, 3 others killed in Nueva Ecija buy-bust