Karagdagang mga bus, idineploy bilang ayuda sa publiko sa gitna ng transport strike

LTFRB Chair Martin Delgra III (FILE PHOTO)

QUEZON CITY, Set. 30 (PIA)--Nagdeploy ng mga karagdagang bus unit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), katuwang ang Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), PNP Highway Patrol Group (HPG) at mga Local Government Unit (LGU), upang tiyaking tuluy-tuloy ang pagbiyahe ng mga commuter. sa gitna ng transportation strike na isinasagawa ng ilang transport group ngayon Lunes, ika-30 ng Setyembre 2019.

“Kahit maliit lang ang inaasahan nating epekto ng strike bukas, mabuti nang may contingency plan tayo dahil prayoridad natin ang mobility at convenience ng ating commuters,” pahayag niLTFRB Chair Martin Delgra III.

“Ang paghahanda po natin ay hindi lang naka-focus doon sa augmentation, kundi pati na sa enforcement at apprehension sakaling mangharang ng mga kapwa nila tsuper ‘yung mga nagwewelga,” dagdag ng tagapamuno.

Naglalaan ang gobyerno ng mga karagdagang public utility bus sa mga sumusunod na ruta:

* LETRE Malabon via Samson Rd. to Monumento, Caloocan
* Valenzuela via McArthur Highway/Rizal Avenue Avenida to Manila
* 5th Ave. via Rizal Avenue Avenida to Manila
* Monumento via McArthur Highway to Malanday Valenzuela
* Monumento via Samson Road to Navotas
* C3 Dagat-Dagatan via C3 Road to East Bound(going to 5th Avenue)
* 5th Avenue via C3 Road to South/North Bound

* Marikina via Marcos Highway to Angono, Rizal
* Marikina via Aurora Blvd. to Cubao
* Marikina via Manghan to Pasig

* Taft via J.P. Rizal to Guadalupe
* Taft via Pedro Gil to Sta. Ana
* Quezon Avenue via España Quezon Blvd to Quiapo
* RMB via V. Mapa to Plaza Avelino

* Baclaran via Dr. A. Santos to Sucat
* EDSA via Taft Avenue to Manila & Quezon City
* EDSA Heritage via Osmeña Highway to FTI & Alabang
* Parañaque via Quirino, Don Galo Las Piñas, Zapote

* Technohub via Commonwealth LITEX Fairview
* PHILCOA via EDSA to Monumento
* Commonwealth via EDSA to Cubao

* Guadalupe via Kalayaan C5 to C5 Taguig
* Guadalupe via EDSA Cubao & Monumento
* Guadalupe via JP Rizal Extension to Pasig
* Guadalupe via Buendia Gil Puyat to EDSA Taft

* Santolan via EDSA to Monumento
* Santolan via EDSA to Makati
* Santolan via EDSA to EDSA Taft

* Novaliches via Gen. Luis to Dela Rosa
* Dela Rosa via Mc Arthur Malinta
* H K Staging Parañaque via Quirino Don Galo Las Pinas,Zapote

* Robinson’s Fairview via Quirino to Balintawak

Muling naglabas ng mariing babala ang LTFRB sa mga operator at tsuper ng mga pampublikong sasakyan na ang paglahok sa transport strike na nakaaapekto sa daloy ng biyahe at nagdudulot ng aberya sa mga pasahero ay direktang paglabag sa LTFRB Memorandum Circular No. 2011-004.

Nakaantabay ang mga operatiba ng LTFRB, PNP-HPG, at i-ACT upang itala ang mga lalabag sa naturang Memorandum Circular para sa karampatang aksyon. (PIA-NCR/LTFRB)

 


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1028027
Latest News | Philippine Information Agency

Comments