Tagalog News: Romblon, naka-'full alert' sa bagyong Tisoy

Isang emergency meeting ang ipinatawag ni Governor Jose Riano sa mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Linggo upang makakuha ng ulat tungkol sa kahandaan ng probinsya sa bagyong Tisoy. (Photo Courtesy: Red Cross - Romblon)

ROMBLON, Romblon, Dis. 2 (PIA) -- Itinaas na sa 'full alert' status ang lahat ng ahensya sa lalawigan ng Romblon na kasama sa disaster response team ng Romblon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), bilang paghahanda sa bagyong Tisoy na inaasahang makakaapekto sa lalawigan sa mga susunod na araw.

Ayon kay Governor Jose Riano, nagpatawag na siya ng meeting noong Linggo ng hapon sa mga miyembro ng PDRRMC upang makakuha ng ulat tungkol sa kahandaan ng probinsya.

Target ng PDRRMC na magkaroon ng 'zero casualty' sa pananalasa ng bagyong Tisoy sa lalawigan sa mga susunod na araw.

Pansamantalang hindi muna pinapayagang maglayag ang mga maliliit na bangka dahil inaasahang tataas ang alon sa mga seaboard ng Romblon dahil sa bagyo.

Kanselado na rin ang biyahe ng mga pampasaherong barko papasok at palabas ng probinsya ng Romblon.

Wala na ring klsae sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa buong lalawigan simula December 1 hanggang sa gumanda ang panahon pag-alis ni Tisoy.

Wala pang nangyayaring pre-emptive evacuation sa probinsya ngunit ipinagutos na ni Riano na magsagawa nito sa mga lugar na delikado sa landslide at baha.

Samantala, sa bayan ng Corcuera sa Simara Island, nagsimula nang mag re-pack ng mga relief goods ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council upang may nakahanda na kung sakaling may kailangang ilikas sa kanilang bayan.

Sa panayam ng PIA-Romblon kay Mayor Elmer Fruelda, sinabi nito na sapat ang supply ng pagkain sa isla at handa na sila sa pagdating ng bagyo.

Ipinag-utos na rin ni Mayor Fruelda sa pamamagitan ng isang memorandum order na kanselahin ang pasok ng mga tauhan ng gobyerno sa buong isla ngayong araw, maliban sa mga ahensya na miyembro ng disaster response team.

Ang bagyong Tisoy ay huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa layong 500km East ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas na 140 kph malapit sa gitna at bugso ng hangin na aabot sa 170 kph. Tinatahak parin nito ang West direction sa bilis na 20 kph. (PJF/PIA-Mimaropa/Romblon)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1031011
Latest News | Philippine Information Agency

Comments

Trending News

Sen. Tolentino calls for re-opening of Tagaytay tourism industry

Taguig CVO offers free spay, neuter services for cats, dogs

LA UNION PREPARES FOR 9TH AYAT FESTIVAL

Enlightened Talalora creates MTF-ELCAC,  declares NPA persona non grata

PDEA-12 busts big-time drug peddlers

Wushu to make its Youth Olympics debut as official sport in 2022

Laguna LGUs uphold ease-of-doing business thru BOSS

Duterte signs law waiving docu fees for first-time jobseekers

Tax collections in NorMin up by 31% in 3Q 2019

China loan terms for PH infra projects better under Duterte admin