Pasig City naglunsad ng online application para sa travel authority

LUNGSOD PASIG, Hunyo 10 (PIA) -- Naglunsad ang pamahalaang lungsod ng Pasig ng online application for travel authority para sa mga locally-stranded individuals (LSI) bunsod ng ipinatupad na community quarantine.

Ayon sa pamahalaang lungsod, upang makakuha ng travel authority, una ay pumunta sa Barangay Health Center upang mag-request ng clearance. Kailangang mag quarantine ng 14 days. At pagtapos ng 14-day quarantine, bumalik sa Barangay Health Center upang mabigyan ng clearance.

Mag email sa PASIGLSITRAVELAUTHORITY2020@GMAIL.COM at ilagay na subject sa email ay: Apelyido, Pangalan – Destinasyon (Halimbawa: Dela Cruz, Juan – Batangas).

Ilagay sa email ang mga sumusunod na impormasyon: Full Name; Current Address; Complete address ng pupuntahan; Dahilan ng Pagpunta; at kung ano ang sasakyan papunta sa paroroonan.

Ilakip din ang malinaw na kopya ng ID na may buong pangalan at address (pdf o jpeg format). Gayundin, ilakip ang malinaw na kopya ng Barangay Health Center Clearance.

Dagdag pa ng pamahalaang lungsod na ang lahat ng application for travel authority ay ive-verify. Maghintay lamang ng email mula sa Philippine National Police (PNP) kalakip ang travel authority.

Para naman sa mga walang access sa internet, maaaring pumunta sa One-Stop shop for Travel Authority na matatagpuan sa 4th Floor ng Pasig City Hall.

Maaari ring tumawag sa Pasig City LSI Travel Authority Hotline Number: 0951-726-3566 para sa iba pang katanungan o impormasyon. (Pasig PIO/PIA-NCR)

 


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1044349
Latest News | Philippine Information Agency

Comments