Tagalog News: Mga bata tumanggap ng regalo mula sa RIACAT-VAWC Caraga

LUNGSOD NG BUTUAN, Agosto 13 (PIA) - Mahigit 30 bata ang masayang tumanggap ng regalo mula sa Regional Inter-Agency Committee Against Trafficking – Violence Against Women And Children (RIACAT-VAWC) Caraga dito sa lungsod at bayan ng Buenavista, Agusan del Norte.

Ito ay bilang bahagi sa selebrasyon ng World Day Against Trafficking (WDAT). Sila ang mga batang nakatira sa Home for Boys sa Barangay Antongalon, Butuan City, at GESU Eucaristico Incorporated sa Buenavista, Agusan del Norte. Tumanggap ang mga ito ng ibat-ibang personal hygiene kits at food packs.

Laking pasasalamat ni Sister Marilou at Mang Cleto, tagapamahala ng nasabing mga centers sa lahat ng bumisita mula sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan at sa regalong binigay nila para sa mga batang napasailalim sa ‘child at risk,' child in conflict with the law, at batang nabiktima ng karahasan.  

Nananawagan din si Sister Marilou, sana ay matulungan din sila ng gobyerno at pribadong sektor sa pagpapatayo ng center para sa mga batang may special needs; pagkakaroon o pagtalaga ng developmental pediatricians na titingin sa kalagayan ng mga batang may special diagnosis; at scholarship para sa mga batang nasa center.

Pakiusap naman ni Mang Cleto na sana ay tutukang mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak upang malayo ito sa kapahamakan at lumaki nang maayos.

Samantala, ibinahagi naman ni Catherine Aranas, Social Welfare Officer ng Department of Social Welfare and Development Caraga at Focal Person ng RIACAT-VAWC na mataas pa rin ang kaso ng trafficking sa rehiyon, subalit indikasyon daw ito na nairereport na sa otoridad ang mga insidente hinggil dito. (JPG/PIA-Caraga)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1025805
Latest News | Philippine Information Agency

Comments

Trending News

Gen. Trias City pays tribute to local hero

'Solidarity Run for a Cause' set on May 1 in Tandag City

DSWD 6 ready to aid towns affected by El Niño

Duterte never harassed critics, it’s the other way around

PH sovereignty was lost in ‘onerous’ water deals: PRRD

Liquor ban for May 13 polls takes effect Sunday

Ex-Speaker Nograles passes away

Poll winners in 3 Bataan towns proclaimed

New members of Army multi-sector advisory board take oath

CTA junks Procter & Gamble tax refund claim