Tagalog News: Pagkumpuni ng nasirang runway sa Surigao City airport, pinamamadali

LUNGSOD NG BUTUAN, Agosto 13 (PIA) - Pinamamadali na ni Secretary Arthur Tugade ng Department of Transportation (DOTr) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagkumpuni ng nasirang runway ng Surigao City airport matapos ang 6.7 magnitude na lindol noong February 10, 2017.

Matatandaan na matapos bumisita ni President Rodrigo Duterte at gabinete nito sa mga biktima ng lindol sa lungsod ng Surigao, nagbalik operasyon ang nasabing airport ngunit hanggang sa ngayon 1,000 meters lamang ng runway ang nagagamit at isang airline company lamang ang nakakagamit nito.

Dahil dito, apektado na rin ang turismo sa lungsod dahil sa limitadong biyahe rito.

Sa isinagawang surprising pagbisita sa nasabing airport na pinangunahan ni Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), kasama si DOTr Asec. Giovanni Lopez, CAAP Director-General Jim Sydiongco, at Regional Director Abner Caga ng Philippine Information Agency (PIA) Caraga, sinuri ng mga opisyal ang kondisyon ng runway.

“Ang provincial council ng Surigao del Norte ay nagpasa ng Resolution No. 103, series of 2019, at nirequest po nila ang inyong lingkod, Sec. Andanar na tumulong na maipadali na ang pagkumpuni ng paliparan, kaya huwag po kayong magtaka kung bakit nandito ang communications secretary, ito po’y trabaho ng DOTr at ng CAAP,” sabi ni Andanar.

Naglaan ang gobyerno ng mahigit P123-milyong na pondo para sa pagkumpuni ng paliparan. Napag-alaman din na hindi natapos ng dati nitong kontraktor ang pagkukumpuni at ngayon ay ang Pacific Concrete Products at VT Lao Construction na ang tatapus ng proyekto.

“Totoo po na naantala ang proyektong ito pero sabi ho ni Secretary na kahit naantala ang orihinal na contract duration sa February 2020, yan po ay non-negotiable. Ang ginagawa natin, gumagawa tayo ng paraan ngayon, para yan po talaga ang mangyayari. Matatapos ang proyektong ito sa itinakdang panahon bagamat may delay sa pagsagawa nito,” sabi ni Lopez.

Napagkasunduan ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at bagong kontraktor na tatapusin ang 1,400 meters runway bago mag-pasko ngayong taon. Habang ang kabuuan nito na 1,700 meters ay makokompleto sa February 2020. May monitoring ding gagawin ang CAAP para dito. (JPG/PIA-Caraga)


News Feed:

https://pia.gov.ph/news/articles/1025806
Latest News | Philippine Information Agency

Comments

Trending News

List of areas affected by Manila Water service interruption

Opposition Senate slate has 'no moral ascendancy': Sara

DOH Calabarzon intensifies anti-measles campaign thru NDP

You can't talk about honesty, Mayor Sara tells VP Leni

Ex-rebels back probe of CPP’s EU funding

DTI-Pangasinan to hold tax and business forum for MSMEs

‘Down-to-earth’ DepEd chief inspires Kalinga teachers